Wednesday, April 3, 2013

JOHN PRATS, NAGREBELDE SA KANYANG AMA

Kwentong punong-puno ng inspirasyon ang bibigyang buhay ng Kapamilya actor na si John Prats sa upcoming episode ng "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Abril 6). Gagampanan ni John ang karakter ni Julius, isang lalaking nagrerebelde sa sariling ama na nalulong sa droga. Upang lumihis sa buhay na tinahak ng kanyang tatay, itutuon ni Julius ang kanyang oras sa pagtuturo at paglalaro ng iba't ibang klase ng sports. Nang maatasan na bumuo ng isang football team sa kanilang lugar, makikilala ni Julius ang mga bata na mayroong iba't ibang bisyo tulad ng kanyang ama. Paano nga ba maisasalba ni Julius ang mga bata sa parehong pagkakamali na muntik nang sumira sa kanyang buhay? Bukod kay John Prats, tampok din ngayong Sabado sa "MMK" sina Nonie Buencamino, Tetchie Agbayani, Bing Davao, Francis Magundayao, Jairus Aquino, Gerald Pesigan, Aaron Junatas, Philip Nolasco, at Andrei Garcia. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem Jordan del Rosario, panulat nina Mark Duane Angos at Arah Jell Badayos, at sa direksyon ni Mae Czarina Cruz. Huwag palampasin ang isa na namang makabagdamdaming "MMK" episode ngayong Sabado, pagkatapos ng "Wansapanataym," sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang www.facebook.com/MMKOfficial.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...