Muling tumanggap ng pagkilala ang top-rating fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na "Wansapanataym" kamakailan matapos itong parangalan bilang Best Children's Program sa ginanap na 21st Golden Dove Awards sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP). Ito ay isa na namang karagdagan sa mga parangal na natanggap ng "Wansapanataym" mula sa iba't ibang award-giving bodies tulad ng Catholic Mass Media Awards (CMMA), PMPC Star Awards for TV, at ng National Commission on Culture and Arts.
Bilang pasasalamat sa patuloy na tagumpay ng 'story book ng batang Pinoy,' isa na namang kwento na punong puno ng aral ang ihahatid ng "Wansapanataym" ngayong Sabado (Mayo 4) sa espesyal na episode na 'Eye Naku.'
Gagampanan ng Kapamilya child star na si Dexie Daulat ang karakter ni Maita, isang bata na mayroong malabong mga mata. Nang gawin ng reyna ng mga mikrobyo na tirahan ang kanyang mga mata, naging malinaw agad ang paningin ni Maita at nagkaroon ito ng kapangyarihan na makakita nang tulad ng isang microscope. Matutunan na kaya ni Maita na pahalagahan ang kanyang mga mata kapag nagkaroon na ng sakit ang kanyang mga kapatid at kaibigan dahil sa reyna ng mga mikrobyo?
Kasama rin ni Dexie sa 'Eye Naku' episode sina Khalil Ramos, Michelle Vito, Ruby Rubi, Gigi Locsin, CJ de Guzman, Patricia Camo, at JM Briones. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco-Domingo, at direksyon ni Jerome Pobocan.
Huwag palampasin ang storybook ng batang Pinoy, "Wansapanataym" tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng "Kapamilya: Deal or No Deal" sa ABS-CBN. Balikan din naman ang mga lumang episode nito na 'Cocoy Shokoy' sa Miyerkules (Mayo 1), 'Juan to Tree' sa Huwbes (Mayo 2), at 'Fairy Garden' sa Biyernes (Mayo 3) sa "WansapanaSummer," araw-araw, 10:15am sa ABS-CBN.
Para sa karagdagang updates, mag-log on lang sa www.abs-cbn.com o sundan ang@abscbndotcom sa Twitter.
No comments:
Post a Comment