Friday, April 12, 2013

IZA CALZADO, SASABAK SA COMEDY SA "TODA MAX"

Nakilala ang aktres na si Iza Calzado sa husay niya sa larangan ng drama ngunit ngayong Sabado (Abril 13) ay makikipagsabayan siya sa beteranang komedyante na si Pokwang sa larangan naman ng pagpapatawa sa kanyang unang paglabas sa Kapamilya sitcom na  "Toda Max."

Sa episode na ito, magbabanggaan sina Lady G (Pokwang) at Ka Iza (Iza Calzado) sa pagkakonsehala at pareho silang handang gawin ang lahat para makuha ang puso ng mga botante.

Ngunit sa likod ng maamong mukha ni Ka Iza ay marumi pala itong lumaban. Aakusahan ni Ka Iza ang walang malay na si Lady G bilang isang gambling lord kaya makukulong ito at madadamay din si Justin (Vhong Navarro) na polical strategist ni Lady G. Bukod diyan ay magpapatawag din si Ka Iza ng media para lang siraan si Lady G at magpaawa gamit ang kanyang charm.

Hanggang saan pa kaya ang kayang gawin ni Ka Iza masiguro lang na sa kanya mapupunta ang pwesto bilang konsehala? Alamin sa ang mga kasagutan sa "Toda Max" ngayong Sabado (April 13) pagkatapos ng "Maalaala Mo Kaya" sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...