Friday, October 3, 2014

King of Talk Boy Abunda Ibabahagi ang Pinagdaanan sa Kanyang Sakit Kasama Si Karen Davila sa 'The Bottomline'

Ibabahagi ng Asia's King of Talk Boy Abunda ang kanyang pinagdaanan sa kanyang sakit at buong tapang na sasagutin ang mga spekulasyon sa likod nito ngayong Sabado (Oktubre 4) sa "The Bottomline with Boy Abunda." Sa kauna-unahang pagkakataon ay ilalahad ng King of Talk ang kanyang pinagdaanan sa medical procedure na tinatawag na aspiration of liver abscess, ang kanyang takot sa kamatayan, at ang pagmamahal niya sa kanyang ina. Kasama ang multi-awarded journalist na si Karen Davila, sasailalim si Boy Abunda sa isang malalim na diskusyon tungkol sa buhay kasama ang Diyos, kung paano niya hinarap ang matinding pagsubok sa buhay at ang kanyang relasyon sa kanyang long-term partner na si Bong Quintana. Huwag palampasin ang 10th USTv Students' Choice Awards 2014 Students' Choice of Public Affairs Program na "The Bottomline With Boy Abunda" ngayong Sabado, pagkatapos ng "Banana Split: Extra Scoop." Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...