Ipinagpapatuloy at ipinapatindi ng Hero TV ang kanilang superhero invasion sa paghahatid ng mga bago at popular na anime ngayong buwan ng Mayo.
Nangunguna sa listahan ng mga inihahandog ng number one anime channel sa bansa ang tema nilang "Invincible Sketch of May", kung saan binibigyan ng buhay ang mga patok na Japanese komiks sa kanilang pagle-level up sa pagiging mga kwentong pangtelebisyon. Kasali sa temang ito ang mga bagong titulong "Bleach: Fade to Black", "Kuroko's Basketball", "Gintama: Season 5", "Vampire Knight", at "Digimon: Xros Wars".
Sa "Bleach: Fade to Black" ang main character na si Ichigo Kurosaki ay kinakailangang ibalik ang mga nawawalang memorya ng kanyang mga kaibigan. Ito ay ipapalabas sa Mayo 12, 12:00 a.m., 12:00 p.m., at 9:00 p.m.
Panooring ang mga nakakagulat na pwede palang mangyari sa mundo ng basketbol sa "Kuroko's Basketball", na maipapalabas sa Mayo 23 ng 9:00 p.m., 3:00 p.m, 4:00p.m, at 8:00 p.m.
Matuwa's matwa naman sa bagong season naman ng Gintama, kung saan magbabalik ang ating mga jack of all trades free lancers sa May 24 nang 9:00 p.m., na may replays nang 12:00 a.m., 3:00 a.m., 9:00 a.m., at 3:00 p.m.
Sa "Vampire Knight" naman na maguumpisa ngayong Mayo 10, makikita natinang isang mundo kung saa'y nagsasama-sama ang mga bampira at mga tao—kaya't sa Cross Academy, nakahiwalay ang mga estudyante sa dalawang seksyon—ang Day Class at ang Night Class.
Kasama't hindi talaga nahuhuli sa mga bagong titulo ng Hero TV ay ang "Digimon: Xros Wars", kung saan maibabalik tayo sa DigiWorld para sa laban ng bagong main character na si Shoutmon at ang kaniyang kinakalabang Bagura Empire.
Nagbabalik naman ang iba sa mga paborito niyong mga anime: ang "Yakitatae Japan", "Hack/Legend of the Twilight", "Legend of Legendary Heroes", at "Dubber's Cut: Kuroko's Basketball"—na lahat ay nagdadala pa rin ng mga kwentong nakaka-inspire at nakakapagbigay ng iba't ibang porma ng pagtulong at pagligtas sa mga nangangailangan.
Abangan ang paborito niyong mga animated characters sa Hero TV (SkyCable Channel 44), ang numero unong anime cable channel sa bansa. Para sa mga updates at airing schedule, bumisita sa official website nito nawww.myheronation.com.
No comments:
Post a Comment