Monday, April 8, 2013

KRIS, HANDA NANG HARAPIN ANG INIWANG PAMILYA?

Matapos ang mahabang panahon na pagkakawalay sa kanyang asawa't mga
anak, handa nang balikan ng karakter ng Queen of All Media na si Kris
Aquino ang kanyang naiwang pamilya sa top-rating Primetime Bida
teleserye ng ABS-CBN na "Kailangan Ko'y Ikaw." Sa huling dalawang
linggo ng maaksyon na teleserye, tutukan ang patuloy na pag-init ng
mga tagpo sa pamilya ng mga Manrique at Dagohoy ngayong nakabalik na
sa Pilipinas si Roxanne (Kris). Ano nga ba ang gagawin ni Bogs (Robin
Padilla) kapag nalaman niya na buhay pa ang kanyang asawa? Mapipigilan
pa nga ba ni Ruth (Anne Curtis) ang pagbabalik ng kanyang nararamdaman
sa kaisa-isang lalaki na inibig niya? Sa pagkakaroon ng panibagong
pagkakataon para mabuhay, babalikan pa nga ba ni Roxanne ang buhay na
kanyang tinalikuran, o isasakripisyo nga ba niya muli ang sariling
kasiyahan para sa sariling kapatid at pamilya? Huwang palampasin ang
huling dalawang linggo ng "Kailangan Ko'y Ikaw," gabi-gabi, pagkatapos
ng "Apoy Sa Dagat" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang
updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang abscbndotcom sa
Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...