Friday, April 12, 2013

KUYA KIM AT ANDI, SUSUBUKAN ANG MGA IN NA WATER SPORTS NGAYONG SUMMER

Sasabak sa water sports si Kuya Kim, kasama ang celebrity guest host na si Andi Eigenmann, at ipapamalas kung paano maeenjoy ang summer sa masaya at athletic na paraan ngayong Linggo (Apr 14) sa "Matanglawin." 

Samahan ang Trivia King sa kanyang pagsubok sa in na in ngayon na surfing kung saan tuturuuan pa siya ng unang babaeng surfing instructor mula sa Philippine Surfing Academy. 

Habang game na bumabalanse si Kuya Kim sa ibabaw ng surfboard at nagtatangkang sakyan ang alon, si Andi naman ay magtatampisaw din sa tubig at susubukang mag-wakeboarding. 

Kayanin kaya nila ang hamon? 

Huwag palalampasin ang isa na naman sa month-long 5th anniversary special ng "Matanglawin" ngayong Linggo (April 14), 9:30 AM, sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...