Monday, April 8, 2013

12 CELEBRITY FAMILIES, MAGBABAKBAKAN SA ‘BIDA KAPAMILYA’ GRAND FINALS NG “IT’S SHOWTIME”

Magsasalpukan na ang 12 napinaka-nakakabilib na celebrity families at
grupo sa huling pasiklaban ng talento sa grand finals ng "It's
Showtime" Bida Kapamilya Celebrity Round sa susunod na linggo (Abril 8
hanggang 13) sa ABS-CBN.

Sa kauna-unahang pagkakataonsa talent competition ng noontime show ay
gaganapin ang isang week-long showdown ng mga finalist kung saan
tanging tatlo lang ang uusbong na 'best of the best' at siyang
maglalaban-laban sa Sabado (Abril 13).

Ngayong Lunes, magpapakitang gilas ang pamilya nina Regine Tolentino
at ang girl group na Sexbomb, habang ang mag-anak nina Isabel Granada
at young star na si Francis Magundayao naman ang magpapabilib sa
Martes.

Abangan sa Miyerkules ang pagtunggali ng mga angkan nina Rodjun Cruz
at ng magkapatid na sina Gem at Duncan Ramos. Sa Huwebes,
magsasalpukan ang pamilya ni Saicy Aguila at ang sikat na dance group
na The Manoeuvres.

Hindi naman magpapahuli sa Biyernes ang mag-anak nina Manuel Chua
laban sa Viva Hotbabes at ang wildcard winner at "The X Factor
Philippines" finalist na AKA Jam.

Magwawagi ang tatanghaling grand champion ng P1 milyon na ipapamahagi
nila sa kanilang napiling charity, habang P200,000 ang mapapanalunan
ng second placer at P100,000 ang sa third placer.

At upang husgahan ang mga pamilyang ito magsisilbing hurado sina Ruffa
Gutierrez, direktor na si Rowell Santiago, ang choreographer na si
Maribeth Bichara, at ang hosts na sina Vice Ganda at Jhong Hilario.

Huwag palampasin ang hulingpasiklaban ng 12 sa "Bida Kapamilya
Celebrity Round: The Finals" ng "It's Showtime," 12:30PM mula Lunes
hanggang Biyernes sa ABS-CBN. Abangan naman ang huling labanan ng top
3 finalists sa Sabado (Abril 13), 12PM. Para sa update sng programa,
sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter o i-like ang
www.facebook.com/itsShowtimena .

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...