Sunday, April 7, 2013

APL DEAP, KUKUMPLETO SA COACHES NG ‘THE VOICE OF THE PHILIPPINES’

Kumpirmadongang hiphop sensation na si Apl de Ap ang kukumpleto sa mga
coach ng TheVoice of the Philippines kungsaan makakasama niya sina
Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga. Unang nakilala si Apl bilang
isa sa mga singer ng Grammy Award-winning hiphop group na Black Eyed
Peas. Pinabilib niya ang buong mundo bilang isang performer at itinayo
ang bandera ng bansa sa larangaan ng musika. Kaya naman excited si Apl
na makahanap din ng tulad niya na may natatanging talento na maaring
maipagmalaki ng bawat Pilipino. "Ipinanganak ang mga Pinoy para
kumanta. Napakarami nila at kailangan lang talaga natin silang
hanapin," sabi niya sa isang panayam sa The Filipino Channel (TFC) sa
London. Isiniwalat niya rin kung ano ang mga katangiang hinahanap niya
sa magiging mentees niya. "Siyempre nariyan yung boses, stage
presence, at kung paano niya makukuha ang loob ng mga manonood. Iyan
ay ilan sa mga hinahanap ko." Sino angmapapabilang sa Team Apl?
Abangan ang The Voice of the Philippines malapit na sa ABS-CBN. Para
sa updates at audition schedules mag-logon sa
www.thevoice.abs-cbn.com, i-like Facebook page
sawww.facebook.com/thevoiceabscbn, o i-follow ang @thevoiceabscbn sa
Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...