Friday, April 12, 2013

“ASAP 18,” MAY BONGGANG 30TH SHOWBIZ ANNIVERSARY CELEBRATION PARA KAY GARY V.

Walang kasing taas ang energy na ipararamdam ng "ASAP 18" sa TV viewers ngayong Linggo (Abril 14) sa engrandeng selebrasyon ng ika-30 anibersaryo sa showbiz ni Gary Valenciano.

Sa pagbibigay pugay sa nag-iisang Mr. Pure Energy, tunghayan ang nonstop world-class concert performances ni Gary kasama ang ilan sa pinakamalalaking artista sa industriya na sina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Vina Morales, Anna Fegi, Julianne, Robin Nievera, at ang mga anak na sina Paolo at Kiana. Tampok din sa celebration ni Gary ang "X Factor Philippines" finalists na Daddy's Home, Quest, AKA Jam, at Take Off; at ang kilalang dance group na Maneouvers.

Tuloy-tuloy ang selebrasyon sa "ASAP 18" sa espesyal na back-to-back thanksgiving treats na inihanda ng lead star ng box-office hit na "It Takes A Man and A Woman" na si Sarah Geronimo; at ng Kapamilya leading lady na si Anne Curtis para sa nalalapit ng pagtatapos ng Primetime Bida action-drama series na "Kailangan Ko'y Ikaw."

Magkahalong kilig at saya naman ang matutunghayan sa centerstage sa romantic performances ng 2013 Star Magic Circle Boys na sina Jerome Ponce, Khalil Ramos, Kit Thompson, Jon Lucas, Julian Estrada, at Alex Diaz; na susundan ng bonggang pasabog ng mga komedyanteng sina K Brosas, Chokoleit, at Pokwang.

Samantala, huwag palampasin ang must-see surprise na inihanda ng buong ASAP Kapamilya para sa ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga.

Saksihan ang natatanging galing ng mga Pinoy sa larangan ng musika sa makatindig-balahibong vocal acts nina Erik Santos, Jed Madela, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Nikki Gil, Zia Quizon, at ng ASAP Sessionistas.

Abangan din ang makapigil-hiningang Supahdance summer showcase nina Billy Crawford, Sam Milby, Enrique Gil, Kathryn Bernardo, Sam Concepcion, Maja Salvador, John Prats, Rayver Cruz, Empress, Iya Villania, Bugoy Cariño, at KC Concepcion.

Makisaya sa 30th showbiz anniversary ni Mr. Pure Energy sa 2012 PMPC Best Musical Variety Show na "ASAP 18," 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/, i-'like'anghttp://facebook.com/asapofficial, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter at makibalita sa latest happenings sa "ASAP 18" sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPTripKoTo.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...