Sunday, April 7, 2013

"JUAN DELA CRUZ," NO.1 TV PROGRAM SA BANSA PARA SA BUWAN NG MARSO

Consistent na naghahari sa TV ratings ang superhero drama series ng
ABS-CBN na "Juan dela Cruz" na pinagbibidahan ng Teleserye Prince sa
si Coco Martin. Patunay dito ang pinakahuling datos mula sa Kantar
Media para sa buwan ng Marso kung saan nanguna sa listahan ng overall
TV programs sa Pilipas ang "Juan dela Cruz" taglay ang average
national TV rating na 35.7%. Samantala, tiyak na mapapakapit ang
masusugid na manunuod ng "Juan dela Cruz" gabi-gabi ngayong
pinapahanap na ni Haring Samuel (Albert Martinez) ang Tagabantay. Ano
nga ba ang gagawin ng Hari kapag natuklasan niya na ang taong
tumutugis sa kanilang lahi ay anak ng babaeng pinakamamahal niya? Sa
pagdating ng aswang na si Omar (Jason Abalos), paano pa nga ba
maililihim ni Juan (Coco) ang kanyang tunay na pagkatao? Huwag
palampasin ang kuwento ng paboritong superhero ng mga Pilipino, "Juan
dela Cruz," gabi-gabi pagkatapos ng "TV Patrol" sa Primetime Bida ng
ABS-CBN. Para sa karagdagang updates tungkol sa "Juan dela Cruz,"
sundan ang @JUANDELACRUZ_TV sa Twitter o i-like ang official Facebook
fanpage nito na http://www.facebook.com/JuanDelaCruz.TV.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...