Thursday, April 11, 2013

IZA CALZADO TOPBILLS 'MMK' EPISODE ABOUT INCEST THIS SATURDAY

Sa ikatlong pagkakataon, muling ipamamalas ng award-winning Kapamilya actress na si Iza Calzado ang kanyang husay sa pag-arte sa kanyang pagganap sa "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Abril 13). Bibigyang buhay ni Iza ang karakter ni Rowena, isang babaeng hindi inaasahang umibig sa sariling pinsan na si Alex (Joem Bascon) matapos pagtaksilan ng asawa. Sa kabila ng panghuhusga ng kanilang pamilya at mga kaibigan, nagsama ang dalawa at nagkaroon ng mga anak.  Nabago ang buhay nina Rowena at Alex nang makita ang kakaibang itsura ng dalawang anak na babae. Isa nga ba itong parusa ng Diyos kina Rowena at Alex dahil sa kanilang 'imoral' na pag-iibigan? O isa nga lang ba itong pagsubok na magpapatatag sa kanilang pagsasama? Bukod kina Iza at Joem, tampok din ngayong Sabado sa "MMK" sina Andrea del Rosario, Celine Lim, Art Acuña, Dianne Medina, Maliksi Morales, Nanding Josef, Veyda Inoval, Kyline Alcantara, Janine Berdin, at Marikit Morales. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Alexandra Mae Martin, panulat nina Nikki Bunquin at Arah Jell Badayos, at sa direksyon ni Nuel Crisostomo Naval. Huwag palampasin ang isa na namang makabagBAGdamdaming episode ng "Maalaala Mo Kaya"  ngayong Sabado, pagkatapos ng "Wansapanataym," sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" angwww.facebook.com/MMKOfficial.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...