Friday, April 12, 2013

MATTEO AT JESSY, MAGPAPAKILIG SA ANNIVERSARY MALL SHOW NG “STARSTUDIO” AT “THE BUZZ” NGAYONG SABADO

Magkasabay na ipagdiriwang ng "StarStudio" at "The Buzz" ang kanilang anibersaryo sa isang star-studded na mall show ngayong Sabado (Abril 13) na gaganapin sa SM North EDSA Activity Center, 3:30 ng hapon. Kiligin, maki-bonding at makisaya sa inihandang activity ng ABS-CBN Publishing kasama ang isa sa mga pinakamaiinit na love teams ngayon na sina Matteo Guidicelli at Jessy Mendiola. Magpe-perform din sa espesyal na event sina ang mga miyembro ng Star Magic Circle 2013 na sina Julia Barretto, Khalil Ramos at sina Janella Salvador at Jerome Ponce (Nikki at Luke ng "Be Careful With My Heart"). Ipinagdiriwang ng "StarStudio" ngayong Abril ang ika-13 anibersaryo nito habang ika-10 anibersaryo naman ang sa "The Buzz." Ang April issue ng dalawang magazines ay mabibili na sa mga newsstand nationwide.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...