ABS-CBN ang tanging nakakuha ng Gold World Medal mula sa bansa para sa "A Call to Arms" sa Sports Program Promotion category, habang ang dokumentaryong "Johnny: The Juan Ponce Enrile Story," na idinetalye ang buhay at mga kontrobersiyang ipinupukol sa Senate President ay nanalo ng Silver World Medal sa Biography/Profiles category.
Dalawa pang ABS-CBN current affairs show ang pumasok bilang finalists sa iisang kategorya ng kumpetisyon. Nagtamo ng finalist certificates ang "Failon Ngayon," na pinangugunahan ng award-winning anchor na si Ted Failon at ang "Krusada" para sa Current Affairs category.
Pinarangalan din ng NYF ang dokumentaryo ng ABS-CBN News and Current Affairs na "Ang Simula," na idinerek ni Chito Roño at inilahad ang kasaysayan ng pagkakabuo at kalikasan ng Pilipinas, ng finalist certificate sa History and Societycategory.
Ginawaran naman ng finalist certificate ang young actress na si Jane Oineza para sa kanyang natatanging pagganap sa "Manika" episode ng "Maalaala Mo Kaya."
World-class din kung maituturing ang drama programs ng ABS-CBN at patunay nito ay ang finalist certificates na iginawad sa top-rating daytime program na "Be Careful With My Heart" at advocaserye na "Budoy" sa Telenovelas at Drama category.
ABS-CBN ang pinakapinarangalang TV network mula sa Pilipinas sa ginanap na NYF dahil walo sa mga pambato nito ay pasok bilang finalists kung saan dalawa pa ay nag-uwi ng medalya, kumpara sa GMA News TV na nakakuha ng isang medalya at isang finalist certificate, ang GMA na nagwagi ng isang finalist certificate, at ang TV5 na may isang finalist certificate.
Ang New York Festivals® World's Best Television & Films™ ay kumikilala sa pinakamahuhusay sa buong mundo sa mga news, sports, documentary, information at entertainment program pati na rin sa music videos, infomercials, promotion spots, openings at IDs.
No comments:
Post a Comment