Thursday, April 4, 2013

‘GABI NG REBELASYON’ NG "INA KAPATID ANAK" MAS TINUTUKAN NG BUONG SAMBAYAN

Pinakatinutukang programa ang 'Gabi ng Rebelasyon' episode ng no.1
family drama series ng ABS-CBN na "Ina Kapatid Anak" noong Miyerkules
(Abril 3) kung saan natuklasan ng buong sambayanan na si Tatay Zach
(Ronaldo Valdez) ang isa pang nakakaalam ng sikreto ng tunay na
pagkatao nina Celyn (Kim Chiu) at Margaux (Maja Salvador). Patunay
dito ang pinakahuling datos ng Kantar Media kung saan nakakuha ang
"Ina Kapatid Anak" ng 34.6% national TV ratings o mahigit 15 puntos na
lamang kumpara sa dalawa nitong katapat na teleserye ng GMA na "Indio"
(18.5%) at "Mundo Mo'y Akin" (17%). Sa pagpapatuloy ng kuwento,
desidido na si Margaux na hanapin ang tunay niyang mga magulang.
Maitatago pa nga ba nina Tatay Zach at Oscar (Jayson Gainza) ang
katotohanan sa kanilang pamilya? Paano nga ba magbabago ang buhay nina
Celyn at Margaux kapag natuklasan nila na sila ay kambal? Ito na nga
ba ang magbibigay-daan sa muling pagkakasundo ng dalawa? Huwag
palampasin ang mga makapigil-hiningang eksena sa "Ina Kapatid Anak,"
gabi-gabi, 8:15 PM, pagkatapos ng "Juan dela Cruz" sa ABS-CBN
Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa
www.facebook.com/InaKapatidAnak.TV o sundan ang @_InaKapatidAnak sa
Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...