Wednesday, April 10, 2013

ROCKY AT WHITNEY NG “LUV U,” MAGKASUNDO KAYA SA NGALAN NG P2M JACKPOT SA ‘DEAL?’

Kilalang away-bati ang relasyon nina Rocky at Whitney sa sitcom na "Luv U" tuwing Linggo pero magawa kaya nilang magkasundo sa ngalan ng P2 milyon? Panoorin ang pakikipagtawaran nina Rocky at Whitney, na ginagampanan ng teen stars na sina Igi Boy Flores at Kiray Celis, kay Banker ngayong Sabado (Apr 13) sa hit game show na "Kapamilya Deal or No Deal." Idadaan sa kulitan at kiligan ng dalawa para hindi madama ang tensyon ng laro. Susuportahan din sila ng kanilang mga kapamilya at co-stars sa "Luv U." Mauwi kaya nila ang jackpot? Huwag palalampasin ang "Kapamilya Deal or No Deal" ngayong Sabado (Apr 13), pagkatapos ng "TV Patrol Weekend" sa ABS-CBN. Ipahagay ang inyong mga opinyon, reaksyon, at saloobin sa programa sa Twitter gamit ang hashtag na #KapamilyaDOND.  

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...