Wednesday, April 10, 2013

PINAKANAKAKAKILIG NA FINALE NG “KAHIT KONTING PAGTINGIN” MAPAPANOOD NA SA BIYERNES

Ngayong nakuha na ng karakter ni Paulo Avelino ang matamis na 'oo' ni
Aurora (Angeline Quinto) sa kilig-serye ng ABS-CBN na "Kahit Konting
Pagtingin," handa nang gawin ni Lance (Paulo) ang susunod na hakbang
sa kanilang relasyon at pakasalan ang babaeng kanyang pinakamamahal.
Huli na nga ba si Adam (Sam Milby) para ipaglaban ang kanyang
nararamdaman para kay Aurora? Handa na ba siyang ipagtapat kay Lance
na iniibig rin niya ang babaeng pakakasalan nito? Sino nga ba sa
magkapatid ang mananaig sa puso ni Aurora—si Lance na pinatunayan ang
pag-ibig sa kanya, o si Adam na inililihim ang pagtingin sa kanya?
Huwag palampasin ang nakakakilig na pagtatapos ng "Kahit Konting
Pagtingin," ngayong Biyernes, 5:15pm sa ABS-CBN. Para sa karagdagang
impormasyon mag-log on lang sa www.abs-cbn.com, o sundan ang
@abscbndotcom sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...