Friday, April 12, 2013

K-POP SUPERSTARS MAGSASAMA SA “TO THE BEAUTIFUL YOU”

Magtatambal sa unang pagkakataon ang K-pop superstars na sina Minho ng boyband na Shinee at Sulli ng girl group na (F)X sa telebisyon sa romantic comedy na "To the Beautiful You" na mapapanood sa simula Lunes (April 15) sa ABS-CBN.

Parehong kilala bilang mang-aawit sa Korean music scene, naging ganap na aktor at aktres sina Minho at Sulli sa Korean version na ito ng hit Taiwanese soap na "Hana Kimi" dahil dito nila natanggap ang kanilang unang acting awards bilang best newcomer at best couple sa 2012 SBS Drama Awards.

Sundan ang kuwento ni JC Goo, isang Koreanang nakatira sa Estados Unidos at maiin-love sa high jump athlete na si Paul John Kang matapos niya itong mapanood sa telebisyon. Iidolohin niya si Paul John at magsisilbing inspirasyon niya sa buhay.

Magbabago ang mundong ginagalawan ni JC ng mapag-alamang naaksidente si Paul John at posibleng tapusin na ang karera sa larangan ng track and field. Dahil dito, babalik ng Korea si JC at papasok sa eskwelang pinapasukan ni Paul John nang sa gayon ay makumbinse niya ito na ipagpatuloy pa ang kanyang mga laban.

May isang balakid lang sa misyong ito ni JC— si Paul John ay pumapasok sa isang all boys high school at kinakailangan niyang magpanggap na lalaki para makapasok ditto.

Hanggang kalian kayang magpanggap ni JC? Maitago niya kaya ang kanyang nararamdaman kung kasama niya sa iisang kwarto ang pinakamamahal niyang si Paul John? Magtagumpay kaya siya sa kanyang  misyon? Paano tatanggapin ni Paul John na si JC ay isa palang babae at ginawa niya ang lahat ng pagbabalatkayo para lang sa kanya?

Napanood din sa ABS-CBN ang Taiwanese version ng "Hana Kimi" tampok ang Taiwanese hearrthrob na si Wu Chun at Taiwanese sweetheart na si Ella Chen noong 2008.

Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng nakakakilig na kuwento ng "To the Beautiful You" ngayong Lunes (April 15), pagkatapos ng "Pinoy True Stories" sa first and true home of Asianovelas, ang ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...