Monday, March 25, 2013

SIKRETO NINA KIM AT MAJA, PASASABUGIN NA SA APRIL 3!

Mangyayari na ang tagpong inaabangan ng buong sambayanan--ang 'Gabi ng Rebelasyon' tungkol sa pagiging kambal ng mga karakter nina Kim Chiu at Maja Salvador sa no.1 family drama series ng ABS-CBN na "Ina Kapatid Anak." Dahil sa Abril 3 (Miyerkules), lalantad na ang isa pang nakaaalam ng sikreto ng pagkatao nina Celyn (Kim) at Margaux (Maja) bukod kay Oscar (Jayson Gainza). Sino ang taong ito na piniling ikubli kay Teresa (Cherry Pie Picache) ang katotohanang kambal ang ipinanganak niya at nagdesisyong ipaubaya si Margaux sa mga Marasigan? Huwag palampasin ang 'Gabi ng Rebelasyon' sa "Ina Kapatid Anak," sa Abril 3, sa ganap na 8:15pm, pagkatapos ng "Juan dela Cruz" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.facebook.com/InaKapatidAnak.TV o sundan ang @_InaKapatidAnak sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...