Friday, March 1, 2013

KATHRYN AT DANIEL, HINDI NA PAPIPIGIL!

Sa sunod-sunod na proyektong ibinibigay kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mistulang wala nang makapipigil sa pag-arangkada ng career ng itinuturing na hottest love team ng bagong henerasyon. Sa katunayan, kasado na sa Marso 13 ang pinakaaabangang launching film nila mula sa Star Cinema na may titulong "Must Be…Love." At ngayong Sabado (Marso 2), mas lalong makikila ng buong sambayanan sina Kathryn at Daniel sa special exclusive interview sa kanila ng top-rating showbiz talk show ng ABS-CBN na "Showbiz Inside Report." Ano ba ang sikreto sa phenomenal success na natamo ng tambalan nila? May katotohanan ba ang mga intrigang na-develop na sila sa isa't isa? Samantala, tampok rin sa "SIR" sa Sabado ang kwento ng friendship ni Kathryn sa kanyang childhood friends na sina Miles Ocampo at Kiray Celis; at ang matibay na relasyon ni Daniel sa kanyang kapatid na si RJ. Hindi ba naaapektuhan ng kasikatan ang mga relasyon nila Kathryn at Daniel sa mga mahal nila sa buhay? Huwag palampasin ang pinakamalalaking rebelasyon nina Kathryn at Daniel sa trending Saturday entertainment talk show ng bansa, "Showbiz Inside Report," pagkatapos ng "It's Showtime" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-'like' ang Facebook fanpage na www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...