Tuesday, March 19, 2013
JESSE ROBREDO STORY, TAMPOK SA "MMK"
Kwento ng isang huwarang lider at mapagmahal na haligi ng tahanan ang ibabahagi ng "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Marso 23) tampok ang lifestory ng yumaong Department of Interior and Local Government (DILG) secretary na si Jesse Robredo. Gaganap bilang Sec. Robredo ang award-winning actor na si Jericho Rosales, samantalang bibigyang buhay naman ng Kapamilya actress na si Kaye Abad ang karakter ng misis ni Robredo na si Leni. Paano hinubog ng kanyang pamilya at ng kanyang mga karansan ang uri ng pamumuhay at pamamahala ni Sec. Robredo? Gaano kalaking bahagi ng kanyang tagumpay ang kanyang maybahay at mga anak? Bukod kina Jericho at Kaye, bahagi rin ng Jesse Robredo Story sa "MMK" sina Yogo Singh, Spanky Manikan, Cara Eriguel, Christian Tan, Alyanna Angeles, Nikki Bagaporo, Trina Legaspi, at Richard Quan. Ang episode ay sa ilalim ng pananaliksik ni Alexandra Mae Martin, sinulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos, at direksyon ni Raz de la Torre. Huwag palampasin ang inspiring life story ni Sec. Robredo sa "MMK" ngayong Sabado, pagkatapos ng "Wansapanataym," sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang www.facebook.com/MMKOfficial.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment