Thursday, March 14, 2013

JULIA MONTES, NANGUNGULILA SA ISANG LALAKI

Sa gitna ng pananabik ng publiko sa nalalapit na debut ng Kapamilya actress na si Julia Montes, isang lalaki ang nananatiling pangarap niyang makasama sa fairtytale-inspired niyang celebration--ang kanyang German father na hindi pa niya nakikita mula pagkabata.

"Ang dream ko, sa last dance, 'yung dad ko talaga. Gusto ko lang siyang tawaging daddy. Gusto ko lang sabihing 'I love you," pahayag ni Julia sa eksklusibong panayam ng "Showbiz Inside Report" na ipalalabas ngayong Sabado (Marso 16).

Kasama sa emosyonal na interview ni Julia sa "SIR" ang malapit na kaibigan at co-star sa "Walang Hanggan" na si Eda Nolan na isa sa mga itinuturing niyang matatag na sandalan sa tuwing nararamdaman niya ang pangungulila sa ama.

Samantala, bukod kay Julia at sa matibay nilang pagkakakaibigan ni Eda, itatampok rin sa "SIR" ngayong Sabado ang naiibang samahan ng "Be Careful With My Heart" cast members na sina Doris at Sabel, at ang solid sisterhood ng Miss Universe beauty queens na sina Venus Raj at Janine Tugonon.

Huwag palampasin ang trending Saturday entertainment talk show ng bansa, "Showbiz Inside Report," pagkatapos ng "It's Showtime" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-'like' ang Facebook fanpage nawww.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...