Tuesday, March 5, 2013

'GABI NG PAGBABAGO' SA BUHAY NINA KIM AT MAJA, MAGAGANAP NA NGAYONG MARCH 7!

Matapos ang mainit na pinag-usapang 'Gabi ng Pagpapakilala' episode na nagbigay sa "Ina Kapatid Anak" ng 40.1% national TV rating, isang bagong kapanapanabik na tagpo sa buhay ng mga karakter nina Kim Chiu at Maja Salvador ang nakatakdang maganap sa kwento--ang 'Gabi ng Pagbabago' na mapapanood na ngayong Huwebes (Marso 7). Sa 'Gabi ng Pagbabago' episode, matutunghayan ang mga bagong buhay nina Celyn (Kim) at Margaux (Maja) tatlong taon matapos malantad ang tunay na pagkatao ni Celyn. Sa muling pagkukrus ng landas nina Celyn at Margaux, isang panibagong giyera ba ang sisiklab lalo na ngayong kapwa na sila nagtatrabaho sa kompanya ng kanilang pamilya? Sa tunggalian para sa kapangyarihan, sino sa dalawa ang magtatagumpay? Huwag palampasin ang mga bagong rebelasyon sa teleserye ng pamilyang Pilipino, "Ina Kapatid Anak," gabi-gabi, 8:15pm, pagkatapos ng "Juan dela Cruz" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.facebook.com/InaKapatidAnak.TV o sundan ang @_InaKapatidAnak sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...