Thursday, March 21, 2013

CHILD STAR ANDREA BRILLANTES, ANG BAGONG ‘ANNALIZA’

Muling magbabalik sa telebisyon ang 80's classic soap opera na Annaliza na nagpasikat noon sa yumaong aktres na si Julie Vega. Ang orihinal na sinubaybayan ng sambayanan ay muling kukurot at aantig sa puso ng mga manonood sa pagganap ng promising child star ng ABS-CBN na si Andrea Brillantes. Una siyang kinakitaan ng potensyal sa showbiz nang mapabilang siya sa mga bibong Goin' Bulilit kids. Mas lalong napansin ang kanyang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang batang Jessy Mendiola sa Budoy at PHR Paraiso, batang Andi Eigenmann sa Kahit Puso'y Masugatan, at batang Kim Chiu sa Ina, Kapatid, Anak. Ngayo'y handing-handa na si Andrea para sa kanyang paglulunsad bilang ganap na teleserye princess ng Kapamilya network. Ang Annaliza ay isang family drama tungkol sa isang batang nagagawang maantig ang puso ng bawat taong nakakasalamuha niya. Kasama ang kinagisnang ama, matapang niyang haharapin ang mga hamon ng buhay na tanging puhunan lang ay ang kanyang kamuwangan at busilak na puso para sa kanyang kapwa. Makakasama ni Andrea sa Annaliza ang mga mahuhusay na aktor na sina Zanjoe Marudo, Kaye Abad, Denise Laurel, Patrick Garcia, at Carlo Aquino at rising teen sensations na sina Khalil Ramos, Sue Ramirez at Kiko Estrada. Para sa mga updates tungkol sa Annaliza, manatiling nakatutok sa ABS-CBN, i-like ang Facebook page nito sahttps://www.facebook.com/Annaliza2013, sundan ang @Annaliza2013 sa Twitter at pag-usapan ito gamit ang hashtag na #Annaliza.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...