Friday, March 22, 2013

PGT JUDGES, PIPILIIN NA ANG TOP 36 QUARTERFINALISTS

Sasalain na ng Big Three judges na sina Kris Aquino, AiAi Delas Alas at Freddie "FMG" Garcia ang acts na pumasa sa audition at pipili na lang ng 36 na papasok bilang quarterfinalists sa inaabangan at matensyong "Judges Cull" round ng hit talent-reality show na "Pilipinas Got Talent" ngayong Linggo (Mar 24). Sa mahigit 29,000 na nagpakita ng kani-kanilang talento, kabilang na ang mga pumasa sa global at online auditions, 104 acts ang nakakuha ng yes at pasok sa pamantayan ng judges. Ang 104 acts na ito ay malalagasan pa hanggang sa 36 na lang sa kanila ang matira. Sino ang papasok sa quarterfinals? Maging swabe kaya ang deliberasyon ng Big Three? O mas matensyon pa dahil mas maraming variety ng acts ang umeksena ngayong season 4? Pero bago ang salaan, hahabol pa ang ilang pasabog na acts sa huling round ng auditions. Isa na rito ang synchronized swimming act na first time mapapanood sa Philippine TV. Para mas lubusang maipamalas ang kanilang talent ay gumawa pa ang PGT ng espesyal at mala-aquarium na pool nang sa gayon ay kita ng judges at ng mga manonood ang kanilang bawat galaw sa ilalaim ng tubig. Pakatutukan ang "Pilipinas Got Talent 4," na pinangungunahan nina Luis Manzano at Billy Crawford bilang hosts, tuwing Sabado, pagkatapos ng "MMK," at tuwing Linggo, pagkatapos ng "Rated K" sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...