Wednesday, March 13, 2013

BANKER, TYPE LIGAWAN SI RUFFA GUTIERREZ

Matagal ng tapos ang Valentine's pero tila humahabol pa si Banker matapos itong mabighani sa ganda ng host-beauty queen na si Ruffa Gutierrez.  Nang maglaro si Ruffa sa "Kapamilya Deal or No Deal" kamakailan ay tahasang ipinahayag ni Banker thru host Luis Manzano ang kanyang paghanga nito sa kanya at tinanong pa kung ano ang mga katangiang hanap niya sa isang lalaki. Game na game naman na sumagot si Ruffa at sinabing gusto niya ay matangkad, mabaet, at mahal ang mga anak niya. Pasok kaya si Banker sa taste ni Ruffa? Gandahan niya kaya ang offer niya para lang matuwa ang kanyang crush? Magamit kaya ni Ruffa ang pagkahumaling sa kanya ni Banker para mauwi ang jackpot? Huwag palalampasin ang "Kapamilya Deal or No Deal" ngayong Sabado (Mar 16), pagkatapos ng "TV Patrol Weekend" sa ABS-CBN. Ipahagay ang inyong mga opinyon, reaksyon, at saloobin sa programa sa Twitter gamit ang hashtag na #KapamilyaDOND.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...