Friday, March 22, 2013

KAPAMILYA STARS NAGPASAYA NG LIBO-LIBONG DAVAOEÑOS

Happy weekend ang inihandog ng ilan sa pinakasikat na ABS-CBN stars matapos nilang pasayahin ang libo-libong Davaoeños sa Kapamilya Karavan at Salamat Kapamilya event na bahagi ng pakikiisa ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG) sa pagdiriwang ng 'Araw ng Dabaw 2013.' Todo-biritan at halakhakan ang naganap sa Salamat Kapamilya sa Abreeza Mall noong Biyernes (Marso 15) kasama ang "Kahit Konting Pagtingin" stars na sina Angeline Quinto at John Lapus. Hindi naman nagkamayaw sa Kapamilya Karavan ang 12,000 fans noong Sabado (Marso 16) sa SM City Davao Parking Lot C sa bonggang production numbers ng mga bida ng "Apoy Sa Dagat" na sina Angelica Panganiban, Diether Ocampo, at Piolo Pascual; "Be Careful With My Heart" lead actor na si Richard 'Sir Chief' Yap at ng "Ina, Kapatid, Anak" star na si Maja Salvador. Samantala, noong Linggo (Marso 17) naman ay pinadagundong ng "Ina Kapatid Anak" lead star na si Kim Chiu; "Juan dela Cruz" cast members John Medina at Arron Villaflor; at Kapamilya hunk na si Jason Abalos ang Gaisano Mall Entertainment Area dahil sa hitik ng sorpresang inihanda nila para sa 8,000 Davaoeñong nakisaya sa programa ng Salamat Kapamilya. Bukod sa Kapamilya Karavan at Salamat Kapamilya, nakibahagi rin ABS-CBN RNG sa ginanap ng feeding program sa siyudad. Nakiisa si Arron ng "Juan dela Cruz" sa 'Halad Kapamilya' feeding program na inorganisa ng DXAB 1296, ang AM radio station ng ABS-CBN RNG sa Davao. Ang ABS-CBN Regional Network Group ay ang nationwide TV at radio network ng ABS-CBN Corporation. Para sa iba pang Kapamilya stories at happenings sa iba't ibang panig ng Pilipinas, mag-log on lamang sa www.abs-cbnnews.com,www.choosephils.com, at www.iwantv.com.ph

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...