Thursday, March 7, 2013

MARION AUNOR, PUMIRMA NG KONTRATA SA STAR RECORDS

Matapos magwaging 2nd runner-up sa songwriting competition na "Himig Handog P-Pop Love Song" para sa komposisyon nitong "If You Ever Changed Your Mind" na kanya ring inawit, isa na ngayong opisyal na recording artist si Marion Aunor matapos itong pumirma ng kontrata kamakailan sa Star Recording Inc. Sa Abril inaasahang lalabas ang kauna-unahang solo album ni Marion. "Para sa album, may mga kantang ako ang nag-compose at meron ding kinompose ng aking mentor na si Mr. Vehnee Saturno," pahayag niya. Magiging bahagi rin ang singer-composer ng nalalapit na world tour ng top-rating Kapamilya morning program na "Be Careful With My Heart." Dumalo sa contract signing ang beteranong kompositor at manager ni Marion na si Vehnee Saturno, ang Star Records head na si Roxy Liquigan, at ang Star Creatives head na si Malou Santos.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...