Wednesday, March 13, 2013

FIRST KISS NINA MAYA AT SIR CHIEF, WAGI NA SA RATINGS, TRENDING PA SA TWITTER!

Tinutukan at pinag-usapan ng buong bayan ang pinakahihintay na first kiss ng no.1 love team sa daytime TV na sina Maya (Jodi Sta. Maria) at Sir Chief (Richard Yap). Patunay dito ang latest data mula sa Kantar Media noong Martes (Marso 12) kung kailan humataw ang "Be Careful With My Heart" ng 26.4% national TV ratings o, 13 puntos na kalamangan kumpara sa 13.4% na nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na "Eat Bulaga." 

Bukod sa national TV ratings, wagi rin ang 'first kiss' episode maging sa sikat na microblogging site na Twitter. Ilang oras na trending topic nationwide ang hashtag na #SerChiefandMayaNationalKissDay. Hot topic sa netizens ang sorpresang halik sa pisngi ni Sir Chief kay Maya matapos ang pinakaaabangang Junior-Senior Prom Night nina Luke (Jerome Ponce) at Nikki (Janella Salvador).

Samantala, pinagkaguluhan kamakailan ng mga estudyante ang buong cast ng "Be Careful With My Heart," na pinangunahan nina Jodi at Richard, sa parehong awards night ng 11th Gawad Tanglaw at 9th USTv Students Choice Awards.

Dumalo sa parehong gabi ng parangal ang cast ng no. 1 daytime TV program ng bansa upang personal na magpasalamat sa iginawad na Best Ensemble Performance at Best TV series ng Gawad Tanglaw at Best Daily Local Soap Opera at Best Ensemble Performance awards naman ng USTv.

Patuloy na tutukan ang ang paboritong panaghalian ng bayan, "Be Careful With My Heart," araw-araw, 11:45am, pagkatapos ng "Minute To Win It" sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sawww.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-'like' ang official Facebook fanpage ng show sa  www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...