Tuesday, March 12, 2013

"MMK" EPISODE NI JULIA, NAG-NO.1 SA RATINGS

Tinutukan ng buong bayan ang bago at mas mature na pagganap ng Kapamilya actress na si Julia Montes sa "Maalaala Mo Kaya" episode na pinagbidahan nito noong Sabado (Marso 9) kung saan binigyang buhay niya ang karakter ni Diana, isang dalagitang napasok sa prostitusyon sa edad na 15. Base sa datos mula sa Kantar Media, naging no.1 overall (Sabado at Linggo) weekend TV program ang "MMK" ni Julia taglay ang 34.2% o lampas 14 puntos na kalamangan kumpara sa nakuhang 20.1% ng katapat nitong drama anthology sa GMA na "Magpakailanman."

Samantala, ang komedyanang si Pokwang naman ang bibida sa upcoming "MMK" episode ngayong Sabado (Marso 16). Gaganap siya bilang si Linda, isang ina na may polio ngunit patuloy na nagsusumikap para sa kanyang pamilya, lalo na para sa kanyang anak na si Rubin (Bugoy Cariño/John Manalo). 

Kasama nina Pokwang, Bugoy at John sa "MMK" ngayong Sabado sina Juan Rodrigo, Crispin Pineda, Vangie Labalan, Lovely Rivero, Maurice Mabutas, Eliza Pineda, Karen Reyes, at Patrick Sugui. Ang episode ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Agatha Ruadap, sinulat nina Benjamin Benson Logronio at Arah Jell Badayos, at direksyon ni Mae Czarina Cruz. 

Huwag palampasin isa na namang de-kalibreng heavy family drama episode ng Gawad Tanglaw Hall of Fame for Best Drama Anthology at Best Drama Program ng 9th USTV Students' Choice Awards, "MMK" ngayong Sabado, pagkatapos ng "Wansapanataym," sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sawww.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" angwww.facebook.com/MMKOfficial.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...