Wednesday, February 6, 2013

KASAL NINA KRIS AT ROBIN, TINUTUKAN NG SAMBAYANAN!

Mainit na sinubaybayan ng primetime TV viewers ang pinananabikang kasal nina Kris Aquino at Robin Padilla sa hit Kapamilya teleseryeng "Kailangan Ko'y Ikaw." Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Martes (Pebrero 5) kung kailan humataw ang action-drama series nina Kris, Robin at Anne Curtis ng 20.3% national TV ratings, kumpara sa katapat nitong teleserye sa GMA na "Temptation of Wife" na nakakuha lamang ng 17.7%. Bukod sa kasalan, tinutukan rin sa nasabing episode ang mainit na love scene nina Roxanne (Kris) at Bogs (Robin) na nag-honeymoon sa Boracay. Ngayong kasal na sina Roxanne at Bogs, ano ang gagawin ni Ruth (Anne) upang maka-move on? Papaano babaguhin ng pag-aasawa nila ang buhay ng mga tao sa paligid nila lalo na ng pamilya nina Roxanne? Huwag palampasin ang mabilis na takbo ng kwento ng teleseryeng kailangang tutukan ng buong sambayanan, "Kailangan Ko'y Ikaw," gabi-gabi, 9pm, pagkatapos ng "Ina Kapatid Anak" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...