Tuesday, February 5, 2013

“JUAN DELA CRUZ,” HARI AGAD NG PRIMETIME!

No.1 agad sa national TV ratings ang pinakabagong superhero drama series ng ABS-CBN na "Juan dela Cruz" na pinagbibidahan ng Teleserye Prince na si Coco Martin. Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Pebrero 4) kung saan pumalo ang pilot episode nito ng 36.5% national TV ratings ang pilot episode ng "Juan dela Cruz," o 20 puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na "Indio" na nakakuha lamang ng 16.5%. Sa pagkamatay ng kanyang ina na si Amelia (Mylene Dizon), paano nga ba haharapin ni Juan (Coco) ang dalawang magkalabang tungkulin na magbabago sa kanyang pagkatao? Bahagi rin sa powerhouse cast ng "Juan dela Cruz" sina Albert Martinez, ZsaZsa Padilla, Erich Gonzales, Joel Torre, Gina Pareño, Lotlot de Leon, William Lorenzo, Lilia Cuntapay, Neil Coleta, Arron Villaflor, John Medina, Louise Abuel, MC at Eddie Garcia; kasama din sina Jaime Fabregas para sa kaniyang natatanging pagganap; at ang child wonders na sina Izzy Canillo at Alyanna Angeles. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco. Huwag palampasin ang kuwento ng pinakabagong super hero ng mga Pilipino, "Juan dela Cruz," gabi-gabi pagkatapos ng "TV Patrol" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sawww.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...