Monday, February 11, 2013

KIM AT MAJA, MULING NAGKAINITAN!

"I hate you! You ruined my life. Lahat-lahat na lang inagaw mo sa akin." 

Ito ang maaanghang na salitang binitawan ni Maja Salvador bago siya nagpakawala ng isang malutong na sampal kay Kim Chiu sa teaser na umeere ngayon sa ABS-CBN para sa pinakaaabangang 'Gabi ng Pagpapakilala' episode ng top-rating Kapamilya primetime family drama series na "Ina Kapatid Anak." 

Sa 'Gabi ng Pagpapakilala' episode na ipalalabas na ngayong Biyernes (Pebrero 15), hindi lamang matutunghayan ng fans ng "Ina Kapatid Anak" ang engrandeng debut nina Celyn (Kim) at Margaux (Maja) kundi maging ang pormal na pagpapakilala sa publiko kay Celyn bilang bahagi ng pamilya Marasigan. 

Ano ang mga rebelasyong pasasabugin sa 'Gabi ng Pagpapakilala?' Bakit humantong na naman sa matinding sagutan at sampalan sina Celyn at Margaux? Pagkatapos ng pagdiriwang, malalaman na ba ng lahat kung sino kina Celyn at Margaux ang mas may karapatan bilang isang Marasigan? 

Huwag palampasin ngayong Biyernes ang 'Gabi ng Pagpapakilala' sa nangungunang family drama series sa bansa, "Ina Kapatid Anak," 8:15pm, pagkatapos ng "Juan dela Cruz" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.facebook.com/InaKapatidAnak.TV o sundan ang @_InaKapatidAnak sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...