Wednesday, February 6, 2013

KRIS AQUINO, NUMERO UNO NG CINEMA ONE

Ang Queen of All Media na si Kris Aquino ang siya ring Numero Uno ng Cinema One ngayong buwan ng mga puso. Bilang choice artist at birthday girl ngayong buwan, ipapalabas ng Cinema One ang kanyang di malilimutang box office hit films.

Panoorin ang drama films niya na "Bakit Pa Kita Minahal" (Feb. 11), "Mano Po" (Feb. 18) at "Mano Po 2 My Home" (Feb. 25) sa Monday Drama block tuwing 9:00 p.m., ang comedy films niya na "Mahal Kita Walang Iba" (Feb. 7) at "Pido Dida 3" (Feb. 8) sa Laughternoon Out Loud tuwing 1:00 p.m., at ang horror films niya na "Feng Shui" (Feb. 12), "Sukob" (Feb. 13), "Dalaw" (Feb. 14), and "Segunda Mano" (Feb. 15) sa Must-See Movies tuwing 5:00 p.m.

Tampok din ang iba niyang pelikula na sumubok sa kakayanan niya bilang aktres tulad ng "Geron Olivar", "Myrna Diones Story", "Humanda Ka, Mayor" at "Ang Siga at ang Sosyal".

Para sa iba pang impormasyon sa programming schedule at mga update, bumisita sa www.facebook.com/Cinema1channel. Ang Cinema One (SkyCable Ch. 56) ay available sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang cable operators nationwide.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...