Tuesday, February 12, 2013

“APOY SA DAGAT,” NILAMPASO ANG DALAWANG SERYE NG SIYETE!

Mistulang pinaso ng init ng pinakabagong Primetime Bida drama series ng ABS-CBN na "Apoy Sa Dagat" ang dalawang katapat nitong teleserye sa GMA dahil sa pamamayagpag nito sa national TV ratings. Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Pebrero 11) kung kailan humataw ang pilot episode ng teleseryeng pinagbibidahan nina Angelica Panganiban, Diether Ocampo, at Piolo Pascual ng 25.9% national TV ratings, o lampas walong puntos na kalamangan kumpara sa dalawang katapat nitong serye sa Siyete na "Pahiram ng Sandali" na nakakuha lamang ng 17.7% at "Temptation of Wife" na mayroon lamang 17.5% national TV ratings. Bukod sa ratings, wagi rin maging sa social networking sites ang unang gabi ng "Apoy Sa Dagat" na kinatampukan ng pag-usbong ng pag-ibig sa pagitan nina Odessa (Nikki Gil) at Alberto (Patrick Garcia). Sa katunayan, sa buhos ng tweets tungkol sa maiiinit na eksena ng pilot episode, naging nationwide trending topic pa si Patrick sa microblogging site na Twitter. Paano babaguhin ng nakaraan nina Odessa, Alberto at Adrianna Lamayre (Empress) ang buhay ng mga pangunahing karakter ng "Apoy Sa Dagat" na sina Serena (Angelica), Ruben (Piolo), Anton (Diether), at Rebecca (Angelica)? Patuloy na tuklasin ang kwento ng nag-uumapaw na pag-ibig, malaking sakripisyo at matinding panlilinlang sa "Apoy Sa Dagat," gabi-gabi, 9pm, pagkatapos ng "Ina Kapatid Anak" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...