Thursday, February 7, 2013

AUDITION PARA SA “MR AND MS BORACAY AMBASSADORS,” NGAYONG SABADO NA

Simula na ng paghahanap para sa isang lalaki at isang babae na magsusulong ng kapakanan at kalinisan ng isa sa pinakamagandang beach sa buong mundo sa pormal na pagububukas ng auditions para sa kauna-unahang "Mr and Ms Boracay Ambassadors 2013."

Inorganisa ng BC Production & Management House, ang  "Mr and Ms Boracay Ambassadors" ay naghahanap ng interesado at kwalipikadong kalalakihan at kababaihang na hindi lamang maganda sa panlabas na anyo kung hindi pati sa kalooban din dahil ang mapipiling ambassador at ambassadress ay gagampanan ang mahalagang papel ng pagsusulong sa pangangalaga sa kalikasan at magsisilbing ehemplo sa nakararami kung paano magagawang alagaan ng bawat ang isa ang kani-kanilang kapaligiran.

Hindi tulad ng ibang beauty pageants, ang kumpetisyong ito ay hindi lamang may magandang hangarin sa lipunan, kung hindi'y tumutulong at sumusuporta pa sa magagandang hangaring nasimulan na tulad ng Philippine National Red Cross Boracay Chapter na siyang benepisyaryo ng patimpalak.

Bukas ang auditions nito sa lahat ng lalaki at babae na may edad 18 hanggang 26 taong gulang, single, may magandang asal, at hindi bababa sa 5' 4" ang tangkad para sa mga babae at 5' 9" naman para sa mga lalaki. Gaganapin ang auditions sa Sabado (Feb 9) at Linggo (Feb 10) sa Clover Restobar sa Panay Avenue, Quezon City at sa Feb 16 at 17 sa Ambassador in Paradise Resort sa Boracay. Ang mapipiling "Mr and Ms Boracay Ambassadors" ay makakatanggap ng papremyong nagkakahalaga ng P150,000.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang kanilang opisal na Facebook page sa https://www.facebook.com/MrMsBoracayAmbasadors2013. Maari mo ring tawagan o i-text si Marlon sa 0916-313-3123

Ang grand coronation night ay nakatakdang idaos ngayong April 27, 2013 sa Ambassador in Paradise Resort sa Boracay, ang official residence ng mga kalahok sa "Mr and Ms Boracay Ambassadors 2013." Ang naturang event ay naging posible sa pakikipagtulungan ng SPR Boracay Real Estate at ABS-CBN Regional Network Group bilang official media partner.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...