Friday, February 8, 2013

APOY SA DAGAT," PAIINITIN NA ANG GABI NG TV VIEWERS SIMULA SA LUNES

Ngayong Lunes (Pebrero 11) na ang pinakainaabangang pagbubukas ng kwento ng pinakamainit na Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN ngayong 2013 na tiyak na magpapaalab ng gabi ng buong sambayanan, ang "Apoy Sa Dagat" na katatampukan ng mga karakter na sina Serena (Angelica Panganiban), Ruben (Piolo Pascual), Anton (Diether Ocampo), at Rebecca (Angelica Panganiban). 

Bukod kina Angelica, Diether, at Piolo, bahagi rin ng cast ng de-kalibreng primetime teleserye sina Angel Aquino, Aiko Melendez, Sylvia Sanchez, Perla Bautista, Liza Lorena, Freddie Webb, Melai Cantiveros, Eric Fructuoso, Regine Angeles, Bryan Santos, at Mikaila Ramirez. May special participation sa serye sina Nikki Gil, Empress, at Patrick Garcia. Ang "Apoy sa Dagat" ay sa ilalim ng direksyon nina FM Reyes at Nick Olanka. 

Huwag palampasin ang kwento ng nag-uumapaw na pag-ibig, malaking sakripisyo at matinding panlilinlang sa "Apoy Sa Dagat," simula ngayong Lunes, 9:20pm, pagkatapos ng "Ina Kapatid Anak" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...