Monday, February 4, 2013

KILIG-SERYE NINA MAYA AT SIR CHIEF, FINALIST SA 2013 NEW YORK FESTIVALS

Hindi na lang talaga pang-local ang appeal ng most-loved daytime teleserye ng mga Pilipino na "Be Careful With My Heart." Dahil kamakailan ay tinanghal ito bilang isa sa mga finalist sa telenovela category sa prestiyosong 2013 New York Festivals World's Best Television and Film na gaganapin sa Las Vegas Nevada sa Abril 9. 

Dahil sa international nomination na nakamit, kapwa masaya ang mga bida ng "Be Careful With My Heart" na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap hindi lang para sa kanilang show kundi maging para sa TV viewers na araw-araw na nakatutok sa love story nina Maya (Jodi) at Sir Chief (Richard). 

"I believe that we have a give and take relationship with our viewers, at 'yun ang dahilan kung bakit successful ang show namin," ani Jodi. "We inspire them and we are inspired also by them to do better to give them a wholesome, family-friendly, and child-sensitive kilig-serye in the morning." 

Laking pasalamat rin si Richard na hanggang ngayon ay parami pa ng parami ang mga bagong nahu-hook sa kanilang programa. Aniya, "Marami sa viewers namin ang first time na sumusunod ng teleserye at dahil d'yan sobrang thankful kami at gagalingan pa namin para sa inyo." 

Mula nang magsimulang umere noong Hulyo 2012, matagumpay na nabago ng kilig-serye nina Jodi at Richard ang daytime viewing ng buong bayan. Sa loob ng halos pitong buwan na pamamayagpag sa ere, sunod-sunod na tagumpay na ang natamo ng programa kabilang ang record-breaking national TV ratings nito, pagiging kaisa-isang daytime teleserye na may best-selling official soundtrack at DVDs, jampacked mall shows, at pagiging isa sa most viewed programs sa TFC o The Filipino Channel. 

Sa labis na pagkapatok ng "Be Careful With My Heart," maging ang digital world ay nasakop na rin nito. Bukod sa halos araw-araw na pagiging trending topic sa social networking sites gaya ng Twitter, ang hit Kapamilya kilig-serye ay one of the most liked fanpages na rin sa Facebook at most viewed program sa TFC.TVat sa video-on-demand site na I Want TV. 

Dahil sa napakainit na suporta sa "Be Careful With My Heart" ng mga Pilipino sa buong mundo, handang-handa na sina Maya (Jodi) at Sir Chief (Richard) na personal na pasalamatan sila sa pamamagitan ng isang puno ng good vibes na world tour na dadayo sa Asia, Middle East, USA at Europa. 

Ngayong tinanggap na ni Sir Chief ang resignation ni Maya, makakahanap pa ba sila ng papalit upang mag-alaga kay Abby (Mutya Orquia)? Matitiis ba ni Maya na malayo sa pamilya Lim na napamahal na sa kanya? Magawa kayang aminin ni Sir Chief na mami-miss niya si Maya? 

Huwag palampasin ang bagong paboritong panaghalian ng bayan, "Be Careful With My Heart," araw-araw, 11:45am, pagkatapos ng "Minute To Win It" sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sawww.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-'like' ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...