Tuesday, February 26, 2013

MOVIEGOERS NATIONWIDE, KILIG MUCH SA "A MOMENT IN TIME" NINA COCO AT JULIA

Patuloy na pinipilahan sa mga sinehan sa buong bansa ang graded 'B' romantic movie ng phenomenal love team nina Coco Martin at Julia Montes na "A Moment In Time." Sa third week ng pelikula, parami pa ng parami ang nabibighani sa ganda ng kwento at naiibang pagganap nina Coco at Julia na pinakilig nang todo ang fans dahil sa back-to-back-to-back sweet moments nila na mas pinatamis pa ng kanilang memorable kissing scenes. 

Bukod sa regular showing sa mga sinehan sa Pilipinas, may exclusive pay-per-view na rin sa The Filipino Channel (TFC) ang "A Moment In Time" sa lahat ng mga bansa sa Middle East maliban sa United Arab Emirates (UAE), Qatar at Bahrain. Mapapanood ito sa February 28 hanggang March 3 at March 7 hanggang March 10 sa ganap na 12nn, 3pm, 6pm, at 9pm. 

Samantala, mapapanood na rin ang much-talked-about first movie nina Coco at Julia sa iba't ibang sinahan sa buong mundo. Palabas ito hanggang February 28 sa Micronesia Mall sa Guam; mula March 1 hanggang March 7 sa Clearview Bergenfield Cinema sa Bergenfield, New Jersey, Clifton Clearview Allwood Theatre sa Clifton, New Jersey at Clearview Hoboken Cinemas sa Hoboken, New Jersey; Pearlridge West Theatres sa Hawaii; Pickwick Theatre, Chicago; AMC Village Crossing 18, Skokie; AMC Loews Jersey Gardens 20, Jersey City; Century Great Mall, Milpitas; Cerritos Stadium Cinema, Cerritos; Ontario Palace Stadium 22, Ontario; Regal Village Square Stadium, Las Vegas; UA Horton Plaza, at Carmel Mountain sa San Diego; Parkway Plaza Stadium 12 sa Seattle; Tinseltown USA sa Houston; at AMC Loews Cinema Rio 18 sa Maryland. 

Palabas rin ang "A Moment In Time" mula March 1 hanggang 14 sa Square One - Empire Studio 10 sa Mississauga, Ontario; Coliseum Scarborough sa Scarborough, Ontario; Cineplex Northgate Winnipeg sa Winnipeg, Manitoba; Sunridge Spectrum Cineplex sa Calgary, Alberta; Cineplex- Movies 12 Edmonton sa Edmonton, Alberta; Cineplex Odeon International Village Cinemas sa Vancouver, British Columbia; Empire Studio 12- Guildford sa Surrey, British Columbia at Cineplex South Keys sa Ottawa, Ontario. Mapapanood rin ito mula March 7 hanggang 14 sa Bahrain, Qatar at UAE. 

Sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema, ang "A Moment In Time" ay tungkol sa modern love story nina Patrick (Coco) at Jillian (Julia) na mas pinalalim ng iba't ibang pagsubok na pinagdaanan nila. Maibabalik pa nga ba ang pag-ibig na minsang pinakawalan? Sa ilalim ng direksyon ni Emmanuel Palo, ang "A Moment In Time" sina ZsaZsa Padilla, Cherie Gil, Gabby Concepcion, Ella Cruz, at ang kambal ng "PBB Teen Edion 4" na sina Joj at Jai Agpangan. Huwag nang magpahuli sa pelikulang nagpa-'kilig much' sa buong sambayanan, sugod na sa pinakamalapit na sinehan at panoorin ang first movie nina Coco at Julia na "A Moment In Time." Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates tungkol sa "A Moment In Time," bisitahin lamang ang www.StarCinema.com.ph,http://facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...