Thursday, February 7, 2013

‘PARAISO’ STARS, MAGPAPAKILIG NGAYONG LINGGO SA SM LAS PIñAS

Mapapaaga ang pagdiriwang ng Valentines Day sa lahat ng pupunta sa SM Center Las Pinas ngayong Linggo (Feb 10), 5 PM, dahil magpapasabog ng kilig ang mga bida ng hit afternoon teleserye na Precious Hearts Romances presents Paraiso. Sa event na pinamagatang "Love to Love: A Valentine Affair," samahan sina Jessy Mendiola, Matteo Guidicelli, Denise Laurel, Matt Evans at Jewel Mische sa isang hapon na hitik sa mga nakakakilig na song numbers, games, at mga papremyo. Bukas ang ito para sa lahat kaya sumugod na sa SM Center Las Piñas at maki-bonding na kina Brennan (Matteo), Yanie (Jessy), Megan (Jewel), Justin (Matt), at Cassandra (Denise). Patuloy na subaybayan ang mas umiinit pang kuwento ng Precious Herts Romances presents Paraiso, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng May Isang Pangarap sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa mga updates, mag-logon sa www.phr.abs-cbn.com, i-like ang Paraiso sa Facebook www.facebook.com/phrpresents o sundan ang @OfficialPHR sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...