Thursday, February 7, 2013

COMEDY SHOWS NA “CHIKA CHIKA CHICKS” AT “ARRIBA! ARRIBA!” MAPAPANOOD SA JEEPNEY TV

Magkahalong saya at kilig ang ihahatid ng Jeepney TV ngayong Pebrero dahil sa pagdating ng dalawang pinakapaboritong comedy shows noon: Ang romantic-comedy sitcom na "Chika Chika Chicks" at ang family-centered musical at gag show na "Arriba! Arriba!"

Umere ang "Chika Chika Chicks" mula 1987 hanggang 1991 sa ABS-CBN at itinampok sina Freddie Webb, Nova Villa, Carmi Martin, Chuchi, at Sammy Lagmay. Umiikot ang nakakakiliting istorya sa buhay ng sobrang sweet na mag-asawa, isang masungit na matanda, at ilang naggagandahang dilag na nakatira sa isang boarding house. Ang lead characters na sina Jimmy Capistrano (Webb) at ang asawa niyang si Ines (Villa), ay isa sa mga minahal na tambalan sa Philippine TV. Ang classic sitcom na "Chika Chika Chicks" ay mula sa panulat ni Ipe Pelino at sa direksyon ni Johnny Manahan.

Ang "Arriba! Arriba!" naman ay isa sa pinakasinubaybayan na sitcom simula nang iere ito ng 2000 hanggang 2003 dahil sa kakaibang format na musical at gags. Tampok dito sina Jolina Magdangal, Camille Prats, Ai-Ai de las Alas, Edgar Mortiz, Heart Evangelista, John Lapus, at Rufa Mae Quinto. Sa "Arriba! Arriba!", ikinukuwento ng panganay na anak ng Arriba family na si Winona Arriba (Jolina) ang mga wacky adventures at misadventures ng kanyang pamilya. Mula ito sa direksyon nina Gilbert Perez at John-D Lazatin.

Ipapalabas ang back-to-back episodes ng "Chika Chika Chicks" simula February 16 (Sabado), 7:00 p.m. habang ang "Arriba! Arriba!" naman sa February 18 (Monday), 8:00 p.m. sa "Tawa Way Zone" ng Jeepney TV.

Ibinabalik ng Jeepney TV ang mga palabas na malapit sa puso ng bawat Pinoy. Available ang channel sa SkyCable Channel 69 at iba pang cable operators sa bansa. Para sa updates at programming schedule, i-like ang kanilang Facebook page sa www.facebook.com/JeepneyTV

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...