Tuesday, February 19, 2013

SOUNDTRACK NG "BE CAREFUL WITH MY HEART," CERTIFIED GOLD NA!

Matapos tanghalin bilang isa sa mga finalist sa telenovela category ng prestiyoshong 2013 New York Festivals (NYF) World's Best Television and Film, panibagong tagumpay na naman ang nasungkit ng phenomenal daytime kilig-serye ng ABS-CBN na "Be Careful With My Heart" sa pagkamit ng official soundtrack album nito ng gold record award.

"Dati po sa videoke lang ako kumakanta, ngayon may gold record na! Sobrang saya po namin sa suporta n'yo," masayang pahayag ni Jodi Sta. Maria. "Maraming-marami pa pong mangyayari sa mga susunod na araw at abangan po ninyo kung magki-kiss na nga sina Maya at Sir Chief."

Iginawad ang gold record award sa "ASAP 18" noong Linggo (Pebrero 18), kung saan nakasama rin nina Jodi at Richard Yap na nagpasalamat sa publiko ang business unit head ng ng "Be Careful With My Heart" na si Ginny Ocampo. Sa "ASAP 18" rin inanunsyo nina Jodi at Richard ang opisyal na pagsisimula ng kanilang world tour na dadayo sa Middle East sa darating na Marso at sa US at Canada pagdating ng Mayo.

Samantala, dinumog kamakailan ang "Kapit-Bisig sa Pag-ibig Day" mall tour ng "Be Careful With My Heart" sa Market Market, Taguig. Umabot ng 11,000 katao ang nagkapit-bisig upang makisaya kina Jodi at Richard kasama pa ang iba ng cast members na sina Mutya Orquia, Jerome Ponce, Janella Salvador, JM Ibañez, Micah Muñoz, Vivieka Vivieka, Tart Carlos, Claire, Marlo Mortel, at Mccoy.

Huwag palampasin ang paboritong panaghalian ng bayan, "Be Careful With My Heart," araw-araw, 11:45am, pagkatapos ng "Minute To Win It" sa Primetanghali ng ABS-CBN. Subaybayan rin ang "Be Careful With My Heart Sabado Rewind" tuwing Sabado, 10am, bago ang "It's Showtime." Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa   www.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-'like' ang official Facebook fanpage ng show sawww.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial .

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...