Wednesday, February 13, 2013

“MINUTE,” NAGHAHANAP NG TEEN STUDIO PLAYERS; NAGBUKAS NG ONLINE AUDITIONS

Matapos maglaro ang mga celebrity contestant sa unang buwan ng "Minute to Win It," umariba na ang unang regular contestant na naglaro ng tila madadali ngunit nakakakabang challenges sa top-rating Kapamilya game show noong Lunes (Feb 11). Panahon na ng mga ordinaryong Pilipino na magpakitang gilas kaya naman maaari na ring sumubok ang pinakamaliliksi, palaban, at madiskarteng kabataan na gustong maging studio player sa pamamagitan ng pagsabak sa teen tryouts ngayong Sabado (Feb 16). Gaganapin ito sa ABS-CBN Center Road sa Quezon City mula 9 AM hanggang 4 PM at bukas lamang para sa mga edad 15-18 taong gulang. Samantala, maaari ring mag-audition online ang mga nasa edad 18 taong gulang at pataas sa pamamagitan ng pag-upload ng video nilang gumagawa ng kahit anong challenge sa "Minute to Win It" sa cge.tv. Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng "Minute to Win It" at patunay nito ang 16.9% na national TV rating na nakuha nito noong Lunes, anim na puntos na mas mataas laban sa kalabang "Knock Out" ng GMA na may 10.6% lang. Kaya't magpraktis na bago mag-audition at baka kayo na ang susunod na makakakuha ng P1 milyon! Patuloy na panoorin ang "Minute to Win It" kasama ang host na si Luis Manzano mula Lunes hanggang Biyernes, 11AM sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang www.facebook.com/minute2winitPH at sundan ang @Minute2WinItPH sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...