Kung ikaw ay nasa probinsya, madaling paniwalaan ang mga kuwento tungkol sa aswang. Ngunit kung ikaw ay nasa siyudad na, maniniwala ka pa ba na posible itong mangyari sa kinaroroonan mo?
Iyan ang aalamin ni Atom Araullo ngayong Biyernes (Feb 22) sa kanyang pakikipanayam sa isang ina na nagkaroon ng mga engkwentro sa aswang sa Maynila na naglagay sa alanganin ng buhay niya at ng kanyang mga anak sa "Pinoy True Stories: Hiwaga"
Nangyari ang lahat noong nasa Samar pa si Annie at ipinagbubuntis ang kanyang ikaanim na ank. Simula noon ay hindi na sila tinantanan ng aswang na kilala namumuntirya ng mga buntis para kainin ang kanilang hindi pa nila naisisilang na sanggol.
Ang unang engkwentro niya ay sa isang animo'y inosenteng lola na kapitbahay nila at iba ang tingin sa nagdadalang-taong tiyan ni Annie.
Ang ikalawang engkwento naman ay naganap sa Makati nang biglang sumulpot ang isang babaeng may mahabang buhok na pinaniniwalaan ni Annie na naging isang ahas na sumunod sa kanila ng sinubukan niyang tumakbo.
Ang ikatlo at huli naman ay sa anyo ng isang itim na pusang uhaw sa dugo na siyang naglagay na talaga sa peligro sa buhay niya at ng kanyang dinadala.
Maipaliwanag kaya ng siyensa ang nangyari kay Annie o totoong may aswang nga na sumusunod sa kanya? Posible nga bang may aswang sa magulong mga kalsada ng Makati at Taguig?
Huwag palalampasin pinakabagong kuwento ng kababalaghan handog ng "Pinoy True Stories: Hiwaga," sa pangunguna ng anchor na si Atom Araullo, ngayong Biyernes ng hapon (Feb 22), 4:45 p.m. pagkatapos ng "A Gentleman's Dignity" sa ABS-CBN. Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin angwww.abscbnnews.com/currentaffairs.
Abangan din ibang mga bagong "Pinoy True Stories" hatid ng ABS-CBN News and Current Affairds, tulad ng "Bistado" ni Julius Babao tuwing Lunes, "Engkwentro" ni Karen Davila tuwing Martes, "Saklolo" nina Maan Macapagal at Dominic Almelor tuwing Miyerkules, at "Demandahan" ni Anthony Taberna tuwing Huwebes.
No comments:
Post a Comment