Monday, February 18, 2013

“PILIPINAS GOT TALENT 4,” BALIK-TELEBISYON AT BALIK NUMERO UNO RIN SA WEEKEND

Balik numero uno sa mga manonood ang nagbabalik-telebisyong talent-reality show na "Pilipinas Got Talent" matapos itong manalo at manguna sa national TV ratings noong weekend. Panalo ang unang pasabog ng PGT noong Sabado (Feb 16) base na rin sa pinagsamang urban at rural ratings data ng Kantar Media at pumalo sa national TV rating na 29.6% laban sa "Watta Job" ng GMA 7 na may 9.7% at "Kanta Pilipinas" ng TV5 na may 3.5%. Pinakapinanood naman sa bansa at nanguna sa listahan ng top ten programs noong  noong Linggo (Feb 17) ang PGT 4 at pumalo sa national TV rating na 25.8% kumpara sa kalabang "Kapuso Mo Jessica Soho" an may 21.9%. Gumawa din ng ingay ang programa online at naging top two trending topic worldwide ang hashtag na #PGT4 sa social networking site na Twitter. Mas marami pang kapanapabanik na mga act at mas marami pang talento ng Pinoy ang ibibida ng PGT sa pagpapatuloy ng auditions episodes nito.  Huwag palalampasin ang "Pilipinas Got Talent 4" tuwing Sabado pagkatapos ng "MMK," at tuwing Linggo, pagkatapos ng "Rated K" sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...