Wednesday, February 13, 2013

SAM AT PAULO, NAGKAKAPERSONALAN NA?

Unti-unti nang nabubuo ang kompetisyon sa pagitan ng mga karakter ng Kapamilya heartthrobs na sina Sam Milby at Paulo Avelino sa top-rating Primetime Bida kilig-serye ng ABS-CBN na "Kahit Konting Pagtingin." Dahil sa pagtulong ni Aurora (Angeline Quinto) sa pagpapagaling ng lolo nina Lance (Paulo) at Adam (Sam), handa nang magdesisyon si Don Arturo (Joonee Gamboa) kung sino sa kanyang mga apo ang nararapat na pumalit sa kanyang puwesto sa kanilang negosyo. Sino nga ba sa mag-kuya ang pipiliin ni Don Arturo na maging bagong CEO ng kanilang kompanya? Paano nga ba maapektuhan ang relasyon ng magkapatid kapag natuklasan ni Adam na tinutulungan ni Lance si Aurora na magsinungaling tungkol sa kanyang tunay na pagkatao? Huwag palampasin ang nakakikilig na adventures nina Adam, Lance at Aurora sa kilig-seryeng "Kahit Konting Pagtingin," gabi-gabi, bago mag "TV Patrol" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon mag-log on lang sa www.abs-cbn.com, o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...