Tuesday, February 19, 2013

KULITAN AT TAWANAN GABI-GABI NA SA “BANANA NITE”

Magkakapit-bisig ang cast ng pinakabagong "Banana Nite" upang maghatid ng 'overnight' na katatawanan gabi-gabi pagkatapos ng "Bandila".

Ala-people power revolution ang dating ng cast ng bagong show na may tagline na "Tara na at makibaka, makitawa. Tama na, tawa na!" Ang "Banana Nite" ang 'daily serving' ng weekly gag show na "Banana Split".

"Inaanyayahan po namin ang mga manonood na makibaka at makitawa sa amin sa Banana Nite. Kung dati ay tuwing Sabado lang ang kulitan, ngayon gabi-gabi na," ani Angelica Panganiban.

Dapat abangan sa "Banana Nite" ang kanilang bonggang production numbers gabi-gabi, bagong segments na "Ihaw Na" at "Krissy and Me", at mga guest na artistang bubuo ng inyong gabi tulad nina Bea Alonzo, Iza Calzado at Joey Marquez. Bukod dito, hindi mawawala ang napapanahon nilang jokes at gags, tulad rin ng weekly "Banana Split" na mapapanood tuwing Sabado.  

Sa February 25 (Monday) na magsisimula ang gimikan sa "Banana Nite" na kinabibilangan nina Angelica, John Prats, Zanjoe Marudo, Jason Gainza, Pooh, Melai Cantiveros, Ryan Bang, at marami pang iba.

Mapapanood ang "Banana Nite" tuwing gabi-gabi pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...