Tuesday, February 26, 2013

“KAPAMILYA DEAL OR NO DEAL,” MAMIMIGAY NG ISA PANG MILYON SA ANNIVERSARY SPECIAL

Mas malaki na ang pagkakataong manalo sa hit game show na "Kapamilya Deal or No Deal" dahil dalawa na ang P1 milyong halaga sa kanilang money tree bilang pagdiriwang na rin sa unang taon nito sa telebisyon ngayong buwan. Unang sumabak ang aktres na si Gretchen Barretto kung saan nag-uwi siya ng P747,600 at tinanggap ang deal ni Banker. Muntikan ng masungkit ni La Greta ang P2 milyong jackpot kung pinili niya sanang buksan ang kanyang briefcase. Mas nakakatensyon nga ang laro dahil mas dumami pa ang malaking halaga na dapat iwasan at ingatang mabuksan ng contestant. Nakadagdag aliw din ang animo'y panghahamon at pagmamaldita ni Gretchen kay Banker. Susunod naman na susubok sa kanyang swerte ang hunk actor na si Gerald Anderson. Siya na kaya ang susunod na tatanghaling milyonaryo? Huwag palalampasin ang month-long anniversary special ng "Kapamilya Deal or No Deal," sa pangunguna ni Luis Manzano bilang host, tuwing Sabado pagkatapos ng "TV Patrol Weekend" sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...