Wednesday, February 6, 2013

IMPORTANSYA NG PAMILYA, IBABAHAGI SA "WANSAPANATAYM"

Paglalaan ng panahon para sa pamilya ang aral na ihahatid ng Kapamilya child wonder na si Zaijian Jaranilla ngayong Sabado (Pebrero 9) sa isang espesyal na episode ng "Wansapanataym." Sa episode na pinamagatang 'Kilalang Kilala Ka Ba Niya?' ay bibigyang buhay ni Zaijian ang karakter ni Kael, isang batang hindi binibigyan ng sapat na oras ang sariling pamilya. Nang dumating ang kaarawan ng kanyang ama, mas pinili pa rin ni Kael na makipaglaro sa kanyang mga kaibigan sa halip na ipagdiwang ito kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Matutunan na kaya ni Kael ang halaga ng kanyang mga magulang at kapatid kapag hindi na siya kinikilala ng mga ito? Makakasama ni Zaijian sa 'Kilalang Kilala Ka Ba Niya' episode sina Ana Roces, Jake Roxas, at Thou Reyes. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Yam Tanangco-Domingo at direksyon ni Tots Sanchez-Mariscal. Huwag palampasin ang "Wansapanataym" special ni Zaijian ngayong Sabado nang gabi pagkatapos ng "Kapamilya: Deal or No Deal" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...