Thursday, February 28, 2013

KATHRYN AT DANIEL, PAIIBIGIN ANG BUONG SAMBAYANAN SA LAUNCHING FILM NILANG "MUST BE... LOVE"

Kapwa honored at thankful ang hottest love team ng kanilang henerasyon na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pinakabagong blessing na natanggap nila--ang pinakapinananabikang Star Cinema romantic movie na "Must Be...Love" na mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa March 13 (Wednesday). 

Matapos ang phenomenal success ng no.1 teen primetime teleserye sa Pilipinas na "Princess and I" at ng nauumapaw na suporta ng buong sambayanan sa first two movies ng love team nila na "24/7" at "Sisterakas," handang-handa nang itodo nina Kathryn at Daniel ang pagpapakilig sa buong bayan sa kauna-unahan nilang pelikulang pagbibidahan na idinirek ng isa sa mga direktor nila sa "Princess and I" na si Dado Lumibao. 

"Masayang-masaya 'yung feeling na may pelikula na kami ni DJ (palayaw ni Daniel) kasi isang honor po talaga na mabigyang kami ng chance na makagawa ng isang pelikula right after our teleserye," pahayag ni Kathryn. "Excited kami ni DJ sa project na 'to pero pareho rin kaming kinakabahan kasi ibang-iba nga talaga 'yung movie compared sa mga ginawa namin sa 'Princess and I." 

Ngunit sa kabila ng nararamdamang pressure, aminado si Daniel na malaking bagay na si Kathryn ang kapareha niya sa naiibang romantic movie kung saan gaganap sila bilang mag-best friends na sina Patchot (Kathryn) at Ivan (Daniel). Aniya, "Happy ako kasi parang araw-araw kaming magkasama. At kung dati ay komportable kami sa isa't isa, ngayon talagang super close na kami. Iba 'yung bonding namin ni Kathryn. Sa sobrang saya, parang hindi na trabaho 'yung ginagawa namin." 

Nang tanungin sina Kathryn at Daniel sa kung ano ang 'secret to success' ng kanilang love team, simple lamang ang sagot nila--pagiging natural at totoo. 

"Siguro naging interesting sa viewers 'yung pagiging love team namin ni DJ kahit very opposite kami pagdating sa pananamit, pananalita, pagkilos, and personality," ani Kathryn. "Yung ibang teenagers like us, nakikita nila 'yung mga sarili nila sa amin. At kami, 'yung mga ginagawa namin, pang-age lang talaga namin." 

At dahil sa tindi ng suporta ng publiko sa kanilang tambalan, kapwa tiniyak nina Kathryn at Daniel na ang launching movie nilang "Must Be...Love" ay iba sa mga una nilang projects. "Sobrang layo nung characters namin ni Kathryn dito compared sa 'Princess and I.' Yung look ko palang dito iba na, 'yung look din ni Kathryn iba talaga," kwento ni Daniel. 

Bukod kina Kathryn at Daniel, tampok rin sa latest Star Cinema romantic movie na "Must Be...Love" sina Liza Soberano, John Estrada, John Lapus, Miguel Morales, Kit Thompson, Ramon Christopher, Janus del Prado, Sharlene San Pedro, Paul Salas, Cacai Bautista at Arlene Muhlach. 

Ang "Must Be...Love" ay isinulat nina Mae Chua at Melai Monge, sa ilalim ng gabay ng award-winning writer ng Star Cinema na si Vanessa Valdez. 

Huwag palampasin launching movie nina Kathryn at Daniel, "Must Be...Love" na ipalalabas na sa mga sinehan nationwide sa March 13, 2013.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...